Frequently Asked Questions (Tagalog):
Frequently Asked Questions (Tagalog):
Ang aming kasal ay gaganapin sa October 25, 2025 (Sabado) sa Sto. Niño Parish Church. Ang kainan at sayawan ay sa Estancia de Lorenzo.
Paki-check po ang inyong official invitation o ang iba pang pages nitong wedding website para sa iba pa pong detalye.
See you po!
Kayang-kaya puntahan ang simbahan at reception venues gamit ang private or pampublikong sasakyan.
Para sa mga naka private transport, paki pin lang po ang "Sto. Niño Parish Church San Mateo Rizal" or "Estancia de Lorenzo" sa Google Maps or Waze.
Para sa mga magko-commute, ang simbahan at reception venues ay isang byahe lang ng tricycle magmula sa SM San Mateo.
Para sa mas detalyadong inpormasyon tungkol sa venues at paraan ng pagbyahe, click HERE.
Ang lahat ng guests at myembro ng entourage ay dapat nasa simbahan na ng 2:00 PM.
Sa mga bisita po na kailangan ng overnight na tuluyan, pakicheck po ang Venues page HERE para makita o mapagpilian ang mga available na rooms sa Estancia de Lorenzo.
Pwedeng maka-avail ng Negotiated or Discounted Rates kung maagang mai-book ang accommodation (isang buwan o higit pa bago ang date ng kasal).
Maari lamang po na i-inform niyo kami para matulungan namin kayo sa pagbu-book!
Ang meryenda pagkatapos ng kasal ay magi-start ng bandang 4:30 PM. ☕🍸
Pwede niyong ma-enjoy ang mga meryendang pagkain at inumin sa oras na ito. Meron ding mga activities na pwede niyong gawin.
Sa oras na ito pwede na kayong mag-register para sa reception, hanapin ang inyong assigned seats, makipag-mingle sa ibang bisita, at mag-freshen up ng sarili.
Ang Formal reception program ay magsisimula ng bandang 6:00 PM. 🍴
Wag po mag-alala, lahat po ng registered na bisita ay may naka-assign na upuan sa reception! Hindi na po kailangang makipag-unahan sa venue or mamili ng sariling uupuan.
Bago po pumasok sa reception hall, makikita niyo po ang Seating Chart kung saan nakalagay ang table number na assigned sa inyo. Pwede niyo rin pong lapitan ang aming mga coordinators kung kailangan niyo ng asistance.
Ang reception ay magtatagal hanggang bandang 9:00 PM. Sana po'y mag-stay kayo hanggang sa dulo ng program (at hanggang sa afterparty o inuman! 😉🍺)
Kung kinakailangan niyo pong umalis nang mas maaga, gugustuhin po sana naming makapagpasalamat at makapagpaalam ng maayos sa inyo, maaari po sanang hanggang maipanood ang SDE (Same Day Edit) Video sa reception.
Pakiusap po, NO eat and run!
Dress to impress!
Ang wedding dress code po ay required na Semi Formal, ang kung maaari'y Formal.
Para sa kalalakihan-- suit o blazer at long-sleeves polo.
Para sa kababaihan-- long dresses, jumpsuits, coordinates, o separates. Ang palda or trousers po ay dapat lampas sa tuhod ang haba. Ang mga Cocktail dresses (o mga party/clubbing dress) na above the knee ang iksi ay hindi pinapayagan.
🙅 BAWAL po ang mga sumumunod:
-- Kahit anong PUTI or PULA na damit
-- jeans
-- tsinelas
-- mga damit na pang sports, gym, o pang-bahay
-- shorts
-- t-shirts
-- mga damit na may print na cartoons/anime/bastos/kakaibang patterns
➡️Para po sa official color motif at sample na mga attires, paki-check po ang Attire Guideline HERE.
Sponsors at iba pang members ng entourage, paki-check po ang Attire Guideline na aming sinend sa inyo.
Ang RSVP (Répondez s'il vous plaît) ay requirement para makumpirma ang imbitasyon.
Ito po ay paraan namin para ma-check kung kayo po ay makaka-attend sa event o hindi.
HINDI NAG-RSVP = Declined Invitation.
LATE NA NAG-RSVP = Declined Invitation.
Paki-sigurado lang po na kayo ay makakapag-send ng RSVP form or makakapag-kumpirma sa amin ng inyong attendance bago o sa pagsapit ng September 25, 2025.
Para mag-RSVP via Google Forms, paki-fill up po ng form HERE.
Para mag-RSVP via txt/call, pwede po kayong mag-text o tumawag sa 09694175615.
Nakakalungkot at mami-miss po namin kayo sa aming selebrasyon!
HINDI NAG-RSVP = Declined Invitation.
LATE NA NAG-RSVP = Declined Invitation.
Kung hindi po kayo nag-RSVP o nakalimutan niyo pong mag-RSVP-- hindi po namin kayo maisasama sa aming final guest list. Kailangan din po kasi namin ng sapat na oras para makumpirma sa aming suppliers ang total na bilang ng mga dadalo. Ibig sabihin po'y hindi kayo magkakaron ng reserved seating sa reception at hindi rin po kayo mabibilang sa headcount para sa pagkain.
Kaya't pakiusap pong kayo po ay makakapag-send ng RSVP form or makakapag-kumpirma sa amin ng inyong attendance bago o sa pagsapit ng September 25, 2025.
Para mag-RSVP via Google Forms, paki-fill up po ng form HERE.
Para mag-RSVP via txt/call, pwede po kayong mag-text o tumawag sa 09694175615.
Kung sa una'y nag- "Decline" na kayo pero bilang makaka-attend pala O hindi kaya'y nag- "Accept" pero hindi na pala makaka-attend...
Wag po mag-alala! Naiintindihan po namin.
Sabihan niyo lang po kami sa pinaka-maagang pagkakataon tungkol sa mga pangyayari na naka-apekto sa inyong desisyon.
Pwede niyo pa pong baguhin ang inyong RSVP response bago o sa pagsapit ng huling araw ng RSVP confirmation sa September 25, 2025.
HINDI NAG-RSVP = Declined Invitation.
LATE NA NAG-RSVP = Declined Invitation.
Para mag-RSVP via Google Forms, paki-fill up po ng form HERE.
Para mag-RSVP via txt/call, pwede po kayong mag-text o tumawag sa 09694175615.
Pasensya na po, ang amin pong kasal ay pinapanatili po naming intimate hangga't maaari. Dahil po dito ay iilan lamang po ang mga kumbidado sa aming espesyal na araw.
Paki-check na lang po ang na-receive niyong official invitation para sa pangalan at total na bilang ng mga imbitadong guests na inyong kasama. Kung hindi po nakalagay sa invitation, hindi po tatanggapin ang ibang tao or mga "plus one" sa aming kasalan.
Paalala rin po na ang bawat lamesa at upuan sa reception ay may assigned seating, at ang mga hindi po official na imbitadong bisita ay hindi po papapasukin ng aming mga coordinators.
Thank you po sa inyong pag-intindi at pakikisama!
Pasensya na po, bilang lamang po ang guests na aming imbitado sa kasalan. Kami po ay malugod na iimbitahan ang inyong mga anak at iba pang mga bata sa iba pang events na darating!
Sa pagkakataon po na ito, iyong mga bata lamang po na parte ng ceremony o may magulang na parte ng ceremony/entourage ang maiimbitahan sa kasalan at kainan.
Kung hindi po nakalagay sa invitation, ikinalulungkot po naming sabihing hindi po namin maa-accommodate ang inyong anak o iba pang mga bata.
Salamat po sa inyong pag-intindi!
(At sana'y inyong ma-enjoy ang child-free date night na ito!)
P.S. Para naman po sa mga bisitang may anak na parte ng entourage o ng programa, tangi po naming pakiusap na kung sakaling umiyak o mag-ingay po ang bata ay inyo po sana silang samahan sa labas ng venue upang pakalmahin. Ito po'y para maiwasan ang anumang interupsyon sa misa at programa ng kasal. Thank you po!
Ang amin pong handaan ay may mga vegetarian at non-vegetarian na mga putahe. Bukod po dito, kung may iba pa po kayong meal restrictions (tulad ng allergies) ay ipagbigay alam niyo lang po agad sa amin via txt/call/chat o sa pamamagitan po ng aming RSVP link.
Yes meron po, kami po ang bahala sa inumin! Panatilihin lamang po natin ang masaya at responsableng inuman. 🍺
Ang kasal po namin ay isang selebrasyon ng tunay at tapat na pag-ibig. Sapat na pong regalo niyo sa amin ang inyong pagdalo at ang buo niyong pakikisama sa araw ng aming kasal.
Sa mga nais pa ring mag-abot ng regalo, request po sana namin ang cash o monetary gift na makakatulong tungo sa aming pagsasamang mag-asawa. Magkakaroon po ng QR codes at cash envelopes na pwede niyong gamitin sa reception.
Thank you po!
Para po mapanatili ang pagkabanal ng selebrasyon sa simbahan, ang wedding ceremony po ay UNPLUGGED (no cellphone or camera allowed). 📵
Pinapakiusapan po namin ang mga bisita na iwasan po sanang kumuha ng litrato o videos habang ginaganap po ang kasalan sa simbahan.
Higit din po dito kami po ay nakikiusap sa lahat na HUWAG HUMARANG AT PUMWESTO sa aisle, mga daanan, at sa mismong stage ng simbahan.
Manatili lamang po sa inyong mga upuan sa kabuuan ng misa at kasal. Para rin po ito sa ibang bisita, upang hindi po ninyo matakpan ang kanilang view. Ganun din po na huwag matakpan ang view at ang pwesto ng mga official at professional na Photo and Video team na aming kinuha para i-cover ang mga mahahalagang pangyayari sa aming kasal.
Pagtakapos po ng misa at ceremony ng kasal, pwedeng pwede na po kayong maglabas ng cellphones at camera upang kumuha ng kahit ilang litrato o videos!
Huwag di po kayong mag-alala dahil pinapangako po naming ipapakita sa inyo ang mga professional na kuha ng aming Photo and Video team na SDE sa reception. Meron din po kaming photoman team at photobooth setup, kaya't make sure po na kayo'y CAMERA READY! 😁📸
Para sa iba pang mga katanungan, pwedeng pwede niyo pong i-txt/chat si bride o si groom.
Malugod din po kayong ie-entertain ng aming mga coordinators sa inyong mga concerns. Pwede niyo po silang i-contact sa mga sumusunod na detalye:
Rica Ingco -Events Manager 09771996706